Archive Page 2

24
Dec

Merry Christmas, everyone!

Here’s a clip of the kulitan games that we had, for those who miss us (hehe. we miss you, too!) or MC in general, or for those who simply want a good laugh. Spread the Christmas cheer! There’s plenty of love for everyone! Mwah, mwah!

Congrats and best wishes to Tonyo and his wife. I should have been there yesterday but I can only be at one wedding place at a time, first come-first served, hehe. Sana maistorbo namin ang inyong honeymoon at mahatak mo si misis sa 26. =)

(Please excuse the extended music, it’s the only one that’s loud enough to drown out the videographer’s remarks and laughter. =D )


The Gr6 Christmas Party - See Their True Colors - matessi

21
Dec

Dear Diary…

Dear Diary,

 

May date ako kanina. Okay naman s’ya. Mas matangkad sa akin, medyo malusog ang pangangatawan. Laging pormal ang porma, tipong pang-bow tie ang dating. Nailang nga ako ng kaunti kasi naka-casual clothes lang naman ako, wala naman kasi kaming usapang pupunta kami sa isang pormal na lugar. Pero mukhang ok lang naman sa kanya, simple lang din naman siya kung tutuusin. Mabait, masipag, masayahin – palaging nakangiti, maaliwalas ang pagmumukha. At magaling din pala siyang sumayaw, ha. Ang mahirap lang, ‘di ko naman alam yung mga trip niyang songs. Mahilig ding mang-aliw ng mga bata, kaya lang minsan sa pakiramdam ko, parang bata rin mag-isip. Medyo nag-aalala rin ako kasi parang may yellow tinge s’ya, hindi  kaya sumusobra s’ya sa pag-inom ng alkohol? Meron pa kaya siyang masamang bisyo na hindi ko alam? Baka naman Chinese ang lahi nya at tututol sa akin ang kanyang mga magulang? Ewan ko ba, magaan naman siyang kasama, magaling makisalamuha sa iba.  ‘Yun nga lang hindi ko alam kung mahiyain lang ba talaga o ano, kasi kahit lagi siyang nakangiti sa akin, hindi naman siya nagsasalita. Parang lagi na lang ako ang magdedesisyon, ako ang bahala.

 

Naiisip ko tuloy, parang malabo ang aming future, kasi malabong makilala ko siya nang lubos. At mahirap din naman kasing manghula ng iniisip o nararamdaman niya. Disaster naman kung mag-aassume lang ako nang ayon sa kung ano ang gusto kong isipin at maramdaman niya tapos, mali pala. Baka naman hindi pala niya talaga ako type at nagpapaka-polite lang, kaya ‘di na lang nagsasalita, kesa nga naman kung ano pang panlalait ang masabi niya. Sabi ng isang kaibigan ko pwede rin na naninigurado lang at ayaw mapahiya, pero ayaw ko naman ng ganu’n kasi ibig sabihin sa edad n’yang ‘yun, wala pa rin siyang ba… backbone.

 

Sayang din talaga, kasi parang type ko na siya; naipakilala ko na nga siya sa isang set of friends ko at tanggap naman siya. Nagkagulo nga sila eh, gustung-gusto nila siya. Pero siguro ganun talaga, sabi nga ng isang kakakilala ko lang, “kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, maraming dahilan” (this is for you, lea. alam ko babasahin mo ito at alam ko ring kailangan mong humagalpak sa tawa).

 

So ngayon, itatago ko na lang muna ang pictures namin at

 

aalagaan

 

ang aming

 

magandang

 

pinagsamahan

 

sa aking

 

alaala…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 Dancing for the children in the AFP Hospital’s Cancer Ward…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

.